Wednesday, March 14, 2012

Gaano na nga ba katagal?

Gaano na nga ba ako katagal labas-masok sa Manuel L Quezon University?

Five? Six? Seven years na ba? hay! Hirap kasi ng buhay... kenailangan ko huminto para mghanap ng trabaho.
Ano naman kayang trabaho ang mahahanap ng isang katulad ko na hindi pa natatapos ang kurso?

Saleslady? check
Office assistant? check

Pero alam ko mas mapalad pa rin ako sa mga matagal ng degree holder sa school ko. Ngayon kasi, stable na trabaho ko. Ung masasabi mong kaya ko nang bumuhay ng pamilya. Ung tipong hindi ko na iisipin pa kung saan ako kukuha ng ibibigay ko sa mga magulang ko. Marami ang nagtatanong sa akin,

Why still go to school when I already own a job?
Ang sabi ko naman: Iba pa rin kasi yung may natapos ako. Yung may hawak akong diploma na naka-frame at naka-sabit sa dingding ng bahay namin.

Minsan, gusto ko nang huminto sa paglabas-masok ko sa MLQU. Nakakapagod na kasi. Instead na uuwi na lang sana ako pagka-galing ng trabaho, hindi pa kasi kelangan ko pumunta ng Quiapo para pumasok sa subject ko. Nakakatamad di ba?

Karamihan apat na taon lang binuno mga kurso nila, ako ayaw ko nang bilangin. Nakakapagod na din kasi.
Iyak at dasal na lang ang nakakapag-pagaan sa loob ko. Kasi kung hindi ako magtitiis, anong mararating ko diba?

Ngayon, isang sem na lang graduate na din ako. Pero hindi sa kursong gusto ko. Isang napakalaking desisyon na ginawa ko sa buhay ko! 

Ikaw, degree holder ka ba?
Gaano mo ito katagal binuno sa unibersidad na pinasukan mo?

No comments:

Post a Comment